Nasirang Social Media, Maari pa bang Maayos?


(Hint: Oo, pwede pa)

Naaalala mo ba noong unang beses kang nag-log in sa Facebook?

Yung feeling na naramdaman mo nung nag-sign up ka, nagdagdag ng unang mga kaibigan at yung first time kang nagpost.

Napaka-inosente ng internet noon.

Ang Facebook ay masaya, kawili-wili, at talagang nagbigay ng halaga sa ating buhay. Ganun din sa Twitter; marami sa atin ang sumali, dahil isa ito sa  mga nakakatuwang platform para magbahagi ng ating mga nararamdaman at maka-connect  sa mga celebrity at public figure sa buong mundo.

Ngunit sa kasamaang-palad ang golden age ng Web2 social media ay natapos ilang taon na ang nakararaan.

Ngayon, ang mga social media platform ay naging mga cesspool na para sa pagkansela at paghahati, habang ginagawa ang lahat sa isang model ng monetization na pinapaboran ang platform, hindi ang mga creators.



Ang Paunti-unting Pagkasira ng Social Media

Ang mga social media platform ngayon ay mahilig maglabas ng malalaking anunsyo, na may mga malabong graphics na nagpapakita kung paano sila "nagbabago" at hindi yung tipong magdadala sa atin sa parehong landas na magreresulta sa kanilang pagyaman habang tayo naman ay nahahati.

Pero, huwag na natin silang pagkatiwalaan.

Bakit pa natin ipagkakatiwala ang mga sarili natin sa mga platforms na ang tanging hangad ay - kumita ng pera sa atin at gawin tayong addicted sa kanilang platform. Nagsimula ang Twitter at Facebook sa misyon ng pagbuo ng internet at pagkonekta sa mundo, ngunit habang ginagawa iyon ay hinahayaan nilang ang kasakiman na matukoy kung paano dapat patakbuhin ang kanilang mga platform.

Ang mga social media platform ay hindi dapat pinapatakbo sa likod ng mga saradong pinto, na may mga complex rules at condition na nagreresulta sa pag-maximize ng kita para sa iilang tao at kapalit nito’y ang data ng user. Dapat tayong magtiwala sa ating mga social media platform. Dapat na tuloy-tuloy na ilapat ang mga panuntunan, at kailangang maging madali at patas ang monetization para sa ating mga creators.


Ay, wait, baka tayo naman ma-cancel nito

Kailangan nating ayusin ang mga sirang social media platforms natin

Ang mga tao ngayon ay nagsisimula nang magsipag-alisan sa mga social media platform  sa Web2, habang ang mundo ay nagising sa mga pitfalls ng sentralisasyon. Kailangan nating bumuo ng hinaharap kung saan ang user ang may kontrol, hindi lamang ng ilang malalaking tech executive.

Ngunit posible ba ito? Oo, maaari nating ayusin ito, ngunit kailangan nating ilabas ang kapangyarihan ng Web3 upang magawa ito.

Binibigyan tayo ng Web3 ng pagkakataon na baguhin ang internet, at sa pamamagitan nito, kaya nating baguhin ang mundo. Maaari nating ibalik ang social media sa kung paano ito nagsimula, sa pagiging simple at masaya. Ito ay mga bagay tulad ng pagbabahagi ng cool na content, may consistency at clarity sa community rules at higit sa lahat, may kontrol  at mga reward ang users.

Solcial: Ginagamit ang Power ng Web3 para sa Pagbuo ng Makabagong Social Media

Natukoy  namin kung ano ang magagawa ng Web3 sa mga bagay tulad ng DeFi at ang revolution dala ng Play2Earn sa industriya ng gaming. Sa Solcial, isinasama namin ang decentralized power ng blockchain para manguna sa pagbuo ng bago at pinahusay na social media universe.

Sa pagsa-alang alang ng users, kinukuha natin ang power mula sa iilang centralized at ibinibigay ito sa decentralized masses.

Kung isa kang free thinker - ang Solcial ay para sa’yo

Kung gusto mong i-revolutionize ang internet -
ang Solcial ay para sa’yo

Kung gusto mong ayusin ang current culture ng social media -ang Solcial ay para sa’yo

PERO, kung gusto mong i-censor ang mga hindi mo sinasang-ayunan, panatilihin ang status-quo online, at ibigay ang lahat ng iyong data nang libre — baka ang Solcial ay hindi para sa iyo…

Inaasahan namin ang pagpapalawak sa kung paano pagaganahin ang iba't ibang feature sa Social sa hinaharap, pansamantala, panatilihing aktibo ang iyong mga web2 platform dahil ia-update namin ang komunidad habang naghahanda kami para sa paglulunsad. Mga kaibigan, panahon na ng pagbabago. Maaari nating ayusin ang social media, maaari nating baguhin ang internet, at gagawin natin ito nang magkasama.

Oras na para bawiin natin ang kontrol sa sarili nating data, sariling content, at sarili nating kinabukasan.


Ano ang Solcial?

Ang Solcial ay isang decentralized social network na naglalayong bigyan ang mga user ng kapangyarihan ng web3 sa pamamagitan ng pagpayag sa mga user na makipag-ugnayan sa isa't isa nang hindi natatakot sa censorship, at pagpayag sa mga content creators na magantimpalaan ng patas sa halaga ng merkado.

Makipag-ugnayan


Telegram: https://t.me/solcial
Twitter: https://twitter.com/solcialofficial
Discord: https://discord.com/invite/3EpaAbcRPp
Blog: https://blog.solcial.io/
Web:https://solcial.io
Email: [email protected]
Linktree: https://linktr.ee/solcial

You've successfully subscribed to Solcial Blog
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.