Sa ngayon, malamang na nakita o narinig mo na na inalis ng YouTube ang kakayahang makita ng mga user ang kabuuang bilang ng mga dislikes sa isang video. Sa kasalukuyan, ang tanging nakikita lamang ng mga user ay kung gaano karami ang tao na nag-like ng video. Kung kukuha ka ng ilang minuto upang makinig sa sinasabi ng mga tao tungkol sa pagbabagong ito, mas malinaw na gusto ng karamihan ng mga user ang dislike button na nagpapakita ng kabuuang bilang. Ngunit napagtanto namin na ang mga Web2 platforms ay umaayon upang protektahan ang mga damdamin ng iilang vocal users at patahimikin ang mga kritiko.
The road to hell is paved with good intentions.
Maaring ang pag-alis sa mga kabuuan ng dislike button ay isang kapaki-pakinabang na hakbang para YouTube executives, para sa amin sa Solcial, ito ay isang hakbang na maaring makapag-alis ng user empowerment sa isang user. Mukhang ang isa sa mga orihinal na co-founder ng YouTube ay sumasang-ayon, at iniisip na ang pagbabagong ito ay isang "hangal na ideya."
Naniniwala kami na ang mga user ay dapat bigyan ng higit pang mga paraan upang ipahayag ang kanilang boses at maghanap ng utility sa dislike button bilang isang paraan upang i-verify ang kalidad ng isang content. Ang kabuuang bilang ng mga dislikes ay makapagbibigay sa mga user ng ideya kung ang isang video ay may mali o nangangailangan ng karagdagang pag-iisip upang matukoy ang halaga nito. Ngunit sa ngayon ang maaring maiambag namin ay magbigay ng mga komento upang makatulong sa context ng mga users.
Negatibo nitong binago ang ating user experience at naging mas mababa ang kredibilidad ng ilang video sa YouTube sa mga manonood.
Ang mga pagbabagong tulad nito ay mahalaga sa pagpapakita ng negatibong direksyon na pinapasok ng mga Web2 platforms.
Ang pagtanggal ng dislike button ay isang halimbawa lamang ng pagtaas ng pagsi-censor ng mga kritikal na opinyon. Naniniwala kami na ang social media platform ay nangangailangan ng higit na talakayan, mas kaunting censorship, at mas mataas na kakayahan para sa mga user na magbigay ng feedback sa content.
Ang mga Creators ang Unang Naapektuhan sa Biglaang Pagbabago
Nauunawaan namin para sa mga creator na ang pagkakaroon ng dislike ng isang tao sa iyong content ay maaaring makasakit. Walang gustong masabihan na subpar ang kanilang trabaho. Peroang pagtanggap ng feedback ay mahalaga, lalo na sa internet kung saan ang mga tao ay maaaring mag-post ng halos anumang bagay na gusto nila, ito man ay tama o mali. Ang dislike button ay may mahalagang layunin sa pagtulong sa mga creator na makarinig ng feedback mula sa kanilang mga audience at itama ang mga potensyal na pagkakamali.
Paano Gagamitin ng Solcial ang Dislike Button para I-promote ang Pag-uusap
Sa Solcial, hangad naming gamitin ang dislike button (downvote) upang bigyan ng boses ang mga user. Hindi na kami makapaghintay na makita mo kung paano ka makakapagbigay ng feedback sa mga creator sa pamamagitan ng paggamit ng mga upvote at downvote. Nakatuon ngayon ang Solcial sa pagbibigay ng kapangyarihan sa indibidwal. Hindi man namin maprotektahan ang mga tao mula sa pagpuna o kritisismo, ngunit sa halip ay makapagbigay ng isang malusog na kapaligiran kung saan maaaring magsagawa ng mahahalagang talakayan. Ganito dapat ang social media, sa pamamagitan ng pagpayag na marinig ang boses ng lahat, umaasa kaming mapupuksa natin ang pagkakahati o division na makikita sa ating kasalukuyang social media feed.
Siguraduhing panatilihing updated ang iyong sarili sa mga paparating na balita tungkol sa aming paglulunsad. Alam namin na maraming kinakasabikan sa Web3 at umaasa kaming mabigyan ka ng kapangyarihan ng isang decentralized platform sa kadalian ng Web2. Sama-sama nating buuin ang kinabukasan.
Ano ang Solcial?
Ang Solcial ay isang decentralized social network na naglalayong bigyan ang mga user ng kapangyarihan ng web3 sa pamamagitan ng pagpayag sa mga user na makipag-ugnayan sa isa't isa nang hindi natatakot sa censorship, at pagpayag sa mga content creators na magantimpalaan ng patas sa halaga ng merkado.
Makipag-ugnayan
Telegram: https://t.me/solcial
Twitter: https://twitter.com/solcialofficial
Discord: https://discord.com/invite/3EpaAbcRPp
Blog: https://blog.solcial.io/
Web: https://solcial.io
Email: [email protected]
Linktree: https://linktr.ee/solcial