Social Nakapagtala ng $2.9M sa Seed Funding na Pinangunahan ng Alameda Research

Ang pagpopondo ay mapupunta sa pag-hire, marketing pati na rin ang pagbuo ng produkto ng social network.

Ipinagmamalaki naming ipahayag ang matagumpay na pagsasara ng aming seed round na pinangunahan ng Alameda Research; na may partisipasyon mula sa Solana Capital, Rarestone Capital, GBV, Shift Capital, at Noia Capital. Nakalikom kami ng kabuuang $2.9 milyon at nakatanggap ng suporta mula sa ilan sa mga nangungunang pangalan sa blockchain space.

Ang Censorship Resistant Social Network sa Solana

Sa pamamagitan ng censorship at pangkalahatang pag-aabuso sa data ng user na tumataas lamang sa mga pinakasikat na social network sa mundo, ang Solcial ay nagbibigay ng bagong buhay sa mga planong bumuo ng hub para sa pagbabahagi ng content, kasunod ng balita at maging ng mga trading asset sa isang censorship free environment. Sinasamantala ng Solcial ang high speed ng Solana at ang mga decentralized capabilities sa trading Serum nang makapagbigay sa user ng best possible experience na tumutugma sa kasalukuyang centralized social network.

Ang pagbuo ng mabilis at nasusukat na on-chain social network ay posible lamang sa mga high-throughput na blockchain na lumitaw mga isang taon na ang nakalipas.

Ayon kay Michael Burgess, pinuno ng mga partnerships sa FTX, "kung ang pagpo-post ng larawan ay aabot sa iyo ng 2 minuto upang kumpirmahin at babayaran ka ng $30, walang paraan na ang isang social network ay maaaring umabot sa milyun-milyong mga gumagamit, ang Solcial ay kailangang gumamit ng mas mabilis at mas murang blockchain".

Ang Solcial ay nagta-target ng paglulunsad para sa Q4 ngayong taon, na may patas na paglulunsad na nagpapahintulot sa mga tao na makakuha ng network token nang libre sa pamamagitan ng isang makabagong farming program.

"Ilang taon na akong crypto native, ang twitter ang napili kong platform, talagang nararamdaman kong kailangan kong lumipat sa isang decentralized platform na nagbibigay sa mga user ng higit na kakayahang umangkop at sabihin kung ano ang mangyayari",pahayag ni Charles Read, partner sa Rarestone Capital.

"Nakakabahala na makita ang mga gobyerno sa buong mundo na nagtuturo sa Facebook at Twitter na tanggalin ang content nang ayon sa gusto mo. Isinasaalang-alang ng mga tao sa kanluran ang freedom of speech, ngunit malalaman mo lamang ang halaga nito kapag inalis na ito sa iyo, ayon sa isang contributor na nakabase sa Taiwan. Aniya hindi ako nakatanggap kahit isang sentimo sa Twitter, habang nagdadala kami ng toneladang kita sa advertising na nagta-target sa crypto-community.


Ano ang Solcial?

Ang Solcial ay isang decentralized social network na naglalayong bigyan ang mga user ng kapangyarihan ng web3 sa pamamagitan ng pagpayag sa mga user na makipag-ugnayan sa isa't isa nang hindi natatakot sa censorship, at pagpayag sa mga content creators na magantimpalaan ng patas sa halaga ng merkado.

Makipag-ugnayan


Telegram: https://t.me/solcial
Twitter: https://twitter.com/solcialofficial
Discord: https://discord.com/invite/3EpaAbcRPp
Blog: https://blog.solcial.io/
Web: https://solcial.io
Email: [email protected]
Linktree: https://linktr.ee/solcial

You've successfully subscribed to Solcial Blog
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.