Solcial Community AMA Transcript

Para sa inyo na maaaring nakaligtaan ang aming unang AMA, mangyaring basahin ang transcript sa ibaba.

Host: Bago natin simulan ang AMA, maaring bang ipakilala mo ang iyong sarili sa ating komunidad.

Solcial Admin: Sure, isa ako sa mga cofounder ng Solcial project. Ang aking background ay sa financial engineering at ako ay nasa crypto sa loob ng maraming taon. Nagpasya kaming ilunsad ang Solcial dahil sawa na kami sa kasalukuyang estado ng mga social network.

Host: Great. Para sa mga hindi nakaka-alam o hindi pamilyar sa Solcial, pwede bang i-describe mo sa amin, ano ang Solcial?

Solcial Admin: Ang Solcial ay isang decentralized social network na nagpapahintulot sa mga user na makipag-ugnayan nang hindi natatakot sa censorship, at magbibigay-daan sa ating mga content creators o influencers na mabigyan ng fair reward sa halaga ng merkado nang hindi dumadaan sa mga middleman.

Ang aming pangunahing layunin ay lumikha ng isang platform na tutulong sa ating mga mamamayan na ipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang sibil na paraan, nang walang panghihimasok ng gobyerno o takot na ma-prosecute. Alam naming marami pa tayong magagawa sa pamamagitan ng paggamit ng blockchain sa platform

Host: Paano natin magagamit ang Solcial?

Solcial Admin: Ang Solcial ay isang mobile app (iOS at Android), pati na rin desktop app, at  website. Sa Solcial, ang bawat user ay may sariling token, na nagbibigay-daan sa iyong direktang mag-invest sa mga tao. Makakakuha ka ng 1 milyong barya kapag nag-sign up ka, bawat user ay may parehong bilang ng token na mami-mint. Ang mga barya na ito ay sa iyo, maaari mong itago o ibenta ang mga ito (o ipadala sa mga kaibigan).

Para makapag-follow ng mga tao (creators, influencers) ,mayroon kaming 3 antas ng subscription: maaari mong i-follow ang isang tao nang libre (Tier 1) upang ma-access ang kanilang public content (katulad ng Twitter o Instagram), at para naman ma-access ang kanilang private content (mayroon tayong tinatawag na Tier 2 at 3 na mga subscription) kailangan mong bilhin ang kanilang token, upang maging isang investor sa kanila. Iyan ang tinawag nating "invest-for-subscription" model.

Idinidisplay rin natin ang iyong mga NFT saiyong user profile, maari mong gamitin mo para to show off o para bilhin at ibenta ang iyong mga NFT sa iyong mga kaibigan. At mayroon kaming ilan pang mga cool features, pero hindi ko muna ibabahagi ang lahat sa ngayon 🙂

Ang lahat ng content ng user ay nakaimbak sa IPFS at na-access sa pamamagitan ng isang P2P layer na aming binuo. Kaya hindi ito umaasa sa mga censorable na server o gateway. At ang token related operations (minting, trading etc) ay nasa Solana blockchain.

Host: Meron ka rin bang token? Paano kami kikita sa Solcial?

Solcial Admin: Oo mayroon kaming token, ang native token ng Solcial. Ito ay isang governance token, na magbibigay sa iyo ng kapangyarihan sa pagboto sa DAO, at nagbibigay sa iyo ng mga diskwento sa mga bayarin at trading fees.

Kami ay maniningil ng 0.5% na bayad sa trading fee sa kada trade (kapag ang mga tao ay bumili o nagbebenta ng token ng sinuman), plano naming panatilihin ang kalahati ng mga kita na ito para sa aming sariling pag-unlad, at ang natitirang kalahati ay gagawa kami ng buy and burn ng token sa merkado (katulad ng BNB o FTT)

Host: Sa paanong paraan malalabanan ng Solcial ang censorship? Lahat ba naka-sore sa Solana blockchain?

Solcial Admin: Bumubuo kami ng isang peer-to-peer (P2P)  layer above Solana para sa lahat ng mga operasyong nauugnay sa content (feed, post, likes atbp). At lahat ng token related operations (minting, trading, swapping) ay ginagawa sa Solana blockchain mismo. Ang lahat ng content ng user ay naka-store sa IPFS at na-access sa pamamagitan ng P2P layer nang hindi umaasa sa mga censorable na server o gateway.

Sa pamamagitan ng pagbuo ng Solcial sa isang P2P layer na sinigurado ng Solana blockchain, ayun sa design ay wala kaming kakayahang makapag-censor ng content; kung mag-post ka ng isang bagay, maaari itong manatiling naka-host forever,hangga't ang isang tao, sa isang lugar ay iniisip na ang content na ito ay mahalaga, ay hindi maaaring tanggalin o kanselahin ng anumang ibang partido o awtoridad. Bagama't mayroon kaming mga patakarang inilalagay upang maiwasan ang ilegal at karumal-dumal na content, walang diktador o katawan ng pamahalaan ang papayagang i-bully ang Solcial sa pag-censor ng content ng isang tao.

Host: Mukhang promising ang P2P, Pag-usapan natin ang tungkol sa mga partnership at investor kung saan kayo nakikipagtulungan.

Solcial Admin: Kami ay sinusuportahan ng tier 1 na investors: Solana Ventures, Alameda research, Rarestone, Newave Capital, NOIA Capital, Genesis Block ventures at higit pa. Lahat sila ay nagbibigay sa amin ng malawak na suporta mula sa mga network ng industriya hanggang sa marketing sa komunidad.

Host: Open-source ba ang Solcial?

Solcial Admin: Hindi pa, ngunit plano naming mag open source ng aming code kapag live na ang platform.

Host: Kaya't mayroon din kaming ilang mga katanungan mula sa mga miyembro ng komunidad, nagtatanong si @zigbee_space "Paano mo pinangangasiwaan ang pag-moderate para sa hindi naaangkop na nilalaman? “

Solcial Admin: Kami ay isang platform na magtataguyod ng kalayaan sa pagsasalita. Ang karaniwang content na ipinagbabawal sa mga diktadura (tulad ng mga bagay na pampulitika) ay dapat na payagan sa Solcial (saan ka man nakatira).

Ngunit mayroong content na hindi konektado sa freedom of speech, may mga content na ilegal lamang sa bawat bansa tulad ng child porn, decapitations, mga diskusyon sa terorista atbp. At ang ganitong uri ng content ay kailangang i-moderate.

Gayunpaman, kami ay isang platform na hindi makakapagtanggal ng inyong content. Pero, maaari naming itago ang nilalaman sa UI sa pamamagitan ng pag-moderate: ang mga user ay maaaring mag-ulat ng illegal content, at kapag ang ratio ng mga ulat/pagtingin ay higit sa isang tiyak na %, itatago namin ang nilalaman sa UI at i-unpin ang data mula sa aming mga IPFS node . Dahil ang komunidad (sa kabuuan) ang boboto kung ang isang content ay kasuklam-suklam o ilegal at dapat itago. Ngunit kung ang ilang komunidad sa isang lugar ay nag-iisip na ang nilalamang ito ay mahalaga at dapat na makita, maaari lamang nilang ipagpatuloy ang pag-pin sa nilalaman sa IPFS at i-broadcast ito gamit ang kanilang mga node. Kaya makikita nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga direktang link, ngunit hindi makikita sa UI ng mas malawak na madla.

Mayroon din kaming iba pang incentivisation mechanisms para ma-moderate ng komunidad ang social network na ito, ang metaverse na ito, ngunit hindi ko muna ibabahagi ang lahat ng ito sa ngayon 🙂

Narito ang mga sagot sa mga tanong na itinanong ng ating komunidad.

Q: Magkakaroon ba ng joining fee para sa content generation para sa pagkuha ng mga rewards? At anong uri ng content generation ang papayagan sa ilalim ng $Social — mga video/meme/graphics/Musika atbp.

Tanong galing kay@hallagullaboy

Solcial Admin:Sa una, papayagan lang namin ang mga user na mag-post ng text at mga larawan, sa hinaharap ay magsasama na rin kami ng mas magarbong bagay (mga video, audio atbp.)

Q: Hindi ko maintindihan kung paano magiging decentralized ang isang social media, kung saan naka-store ang lahat ng data, gaya ng ginagawa ng centralized social media? Sa server ba? Mukhang gagana ito tulad ng client-server, pero ang ibig sabihin nito ay centralized pa rin, Mukhang ganun pa rin, pwede ba ninyong ipaliwanag kung paano ito gagana?

Meron din bang  defi, nft, marketplace, staking, spot and derivatives nai-integrate sa Solcial?

Tanong galing kay @besogno

Solcial Admin: Ang data ay naka-store sa IPFS, at na-access sa pamamagitan ng P2P network. Sa pangkalahatan, ang bawat user na gumagamit ng Solcial sa kanilang cellphone o desktop gamit ang Social app, ay tatakbo ng sarili nitong IPFS node, na ibo-broadcast ang kanilang data at ang data ng kanilang mga kaibigan sa iba pang mga peers (node).

Wala kaming planong isama ang DeFi, staking at iba pa. Ang mga NFT lamang, at tanging spot trading, walang futures. Nakatuon kami sa pagbuo ng isang ganap na pinagsama-samang app, na simple at madaling gamitin, ngunit napakalakas behind the scenes. Hindi muna kami magbibigay ng detalye ukol dito.

Q: Paano mo dadalhin ang mga user on board? Ang tagumpay ba ng Solcial ay nakasalalay sa pag-oonboard ng content creators?

Tanong galing kay@alphanomicon

Solcial Admin: Magandang tanong yan, yan talaga ang pinaka importante sa lahat.

Para mas maunawaan natin, gawin nating simple.  Ang isang social network ay isang marketplace, mayroon tayong supply at demand. Mayroon kang content at meron ka ring users . At para makakuha ng mas maraming user kailangan nilang makakita ng bagong content, ngunit para makakuha ng mas maraming content kailangan mo ng mga bagong user para i-post ito. Kaya't mayroon kang problema sa manok at itlog upang malutas nang maaga. At ang tanging paraan upang malutas ang problema ng manok at itlog para sa isang pamilihan ay magsimula sa isang maliit at angkop na lugar, isang maliit na grupo, kailangang idominate ang market na iyon, at pagkatapos ay palawakin.

Kaya dito tayo magsisimula sa merkado na alam nating the best: mga crypto traders. Magagawa ng mga tao na ibahagi ang kanilang pagsusuri sa merkado, trading calls atbp, at makipag-ugnayan nang sama-sama (either to speculate, o mag-subscribe sa kanilang private content, kanilang mga espesyal na insight atbp). Kapag nakakuha na kami ng sapat na engagement sa mga unang user na ito, palalawakin namin ang user base sa iba pang mga grupo na naka-linya at yung handa na for on boarding.

Q: Ano ang silbi ng solcial token kung ang mga content creators ay may sariling token? Hindi ba dapat lahat ng bagay ay umiikot sa Solcial?

Tanong galing kay@alphanomicon

Solcial Admin: Well, ang bawat user token ay pwedeng ma-trade versus SLCL (ang Solcial token), kaya kailangan mo ng SLCL para bumili ng token kanino man. Kagaya ng Chilliz for the Fan tokens, para makabili ng mga tokens ng football club tulad ng Arsenal o PSG, i-tade mo ang mga ito versus CHZ.

Q:Paano mo mapipigilan ang racism, hate speech, porn, at political confrontation?

Magkakaroon ba ng laban against bot?

Tanong galing kay @vazbaz

Solcial Admin: Magandang tanong yan, para maari nilang mai-report ang content kung para sa kanila ito ay masyadong offensive o illegal. Kung ang isang post ay maka-ilang beses nang ireport, ia-unpin natin ito sa ating mga IPFS node (ngunit ang may-ari ng content o ang kanilang mga kaibigan ay maaari pa ring i-broadcast ang post kung sa tingin nila ay mahalaga ito at dapat itong makita ng mundo).

Q: Gusto ba ng Solcial na maging isang partikular na uri ng social media (hal. isang video platform tulad ng yt o isang blogging platform tulad ng Twitter) o isang bagay na ganap na naiiba/bago? Anong uri ng feed-ranking algorithm ang gagamitin ng Solcial? Anong mga factors ang pagbabasehan?

Tanong galing kay @wolfimweb mula sa Twitter

Solcial Admin: Sa una ay hahayaan namin ang mga user na mag-post ng content ng maaring text at pictures, at pagkatapos ay mag-aalok kami ng mas malawak na hanay ng nilalaman (video, audio atbp). Ngunit ang direksyon ng social network ay depende sa komunidad, para saan ito gustong gamitin ng mga tao. Bumubuo kami ng isang pangkalahatang platform, at magagamit ito ng sinuman (anuman ang kanilang komunidad o interes)

Tungkol naman sa feed algorithm, ang iyong feed ay hindi mako-curate ng anumang algorithm — at iyon ang pinakaimportante. Ang mga taong pina- follow mo lang ang makikita mo, ayon sa pagkakasunud-sunod o order ng kanilang mga post. Ngunit magkakaroon kami ng iba pang mga tab sa app upang tumuklas ng nilalaman, at upang i-promote ang mga kawili-wili at sikat na mga post at user.

Q: Paano ito gagana? Alam natin na ang bawat social media ay may iba't ibang censorship, tulad ng isang facebook na sensitibo sa mahalay at masamang content at ang twitter naman ay tahanan ng mahahalay at masamang content, ia-approve ba ng solcial ang lahat ng may mahahalay at masasamang content? 😏

Tanong galing kay @yawyaw

Solcial Admin: Ito ay medyo naiibang modelo kaysa sa Onlyfans o Patreon lamang, ang Solcial ay gumagamit ng modelong “invest-for-subscription” kung saan maa-access mo ang content ng ibang tao sa pamamagitan ng pag-iinvest sa kanila.

Q: Ano ang mga feature na gagamitin ng Solcial para makaakit ng bagong user, na mas mahusay at kakaiba kaysa sa ibang platform?Ano ang pinaka kumikita sa Solcial?

Tanong mula kay @Denywisky

Solcial Admin: Ang profits and revenues ay manggagaling mula sa mga trading activity at trading fees.

Q: Magkano ang gas fee para mag-post, mag-like, magcomment at magfollow? Kung mayroon akong mga NFT sa iba pang Solana DApps, magiging interoperable ba ito sa anumang paraan?

Tanong mula kay @derishaviar

Solcial Admin: Walang babayarang gas fee para makapag-post ng content (sa P2P network), pero magkakaroon ng gas fee para i-trade ang mga token ng user sa Solana.

At oo, ang iyong mga NFT’s sa iyong Solana wallet ay makikita sa Solcial, para maipakita mo ang iyong gallery, bumili o magbenta sa ibang tao.

Q: Anong mga incentives meron ang mga creators sa Solcial para maencourage nila ang na makagawa ng quality at quantity ng content kaysa sa ibang mga platform?

Tanong muli kay @derishavia

Solcial Admin : magandang tanong yan, sa Solcial talagang hinihikayat namin lahat na mag-post ng mahalagang content para sa iyong mga tagasubaybay na namuhunan sa iyo para sa isang dahilan. Kaya maaari mong ibahagi ang anumang mga insight, kaalaman o impormasyon na gusto mong ibahagi sa kanila.

Anuman ang iyong talento, o ang iyong value-add, hangga't handa ang mundo na magbayad para sa iyong mga offers, maaari kang magkaroon ng market cap, at lumikha ng sarili mong negosyo. Kahit na ikaw ay isang humorist lamang, gumagawa ng mga biro araw-araw, ang mga tao ay maaaring bumili ng iyong token upang makita ang iyong mga 'premium jokes' sa kanilang mga feed. At maaari mong pagkakitaan ang iyong talento sa pamamagitan ng pagiging tulad ng isang pampublikong nakalistang kumpanya. Ito ay napakalakas at dapat magbigay ng insentibo sa mga tao na mag-post ng mahalaga, de-kalidad na nilalaman sa social network na ito, sa halip na mag-aksaya ng kanilang oras sa mga nakakatawang sayaw tulad ng sa tiktok o iba pa 🙂

Gayundin, maibabahagi kaagad ng mga Youtubers ang kanilang mga insight sa kanilang mga investor/subscriber, hindi na nila kailangang gumawa pa ng 5min video para sa ilang mga insight na tumatagal lamang ng 10 segundo. Gusto ng mga tao ang kalidad, at ang iyong presyo ng token, at market cap, ay magpapakita niyan.

Q: Hi! Ano ang magagawa ng mga user sa Solcial token? Plano mo bang isama ang Solcial sa mga existing metaverse o mas gusto nyong panatilihin lang ito ng ganyan?

Tanong mula kay @esterlis

Solcial Admin: Gagamitin natin ang Solcial token bilang token na mamamahala para sa pagboto sa DAO, para sa pagkakaroon ng mga diskwento sa mga bayarin sa trading, at para makabili ng token ang sinuman sa Solcial kakailanganin mo ang SLCL bilang base currency.

Oo, nagsusumikap kami sa pakikipagsosyo sa iba pang mga crypto at metaverse na proyekto ngunit hindi pa kami makakapag-usap tungkol doon.

Q: Paano kikita ang follower sa Solcial? Anong mga incentives mayroon ang Solcial para sa mga aktibong komunidad at mga tagasuporta?

Tanong glaing kay @Nitin1200

Solcial Admin: Maaaring kumita ang isang follower kung tataas ang token ng influencer/blogger na kanyang ini-investsan, kung dumarami ang kanyang audience.

Q: Ang app ba ay kumikilos tulad ng Bittorrent, patuloy na nagda-download at nag-a-upload ng nilalaman upang paganahin ang P2P communication?

Tanong mula kay  @darth_infernal

Solcial Admin: Tama, ngunit na-optimize namin ang mga parameter upang hindi mag-aksaya ng bandwidth na nag-aalok ng malakas na censorship resistant.

Q: Sa palagay ko ay walang anumang mga ad o bayad na promosyon. Tama ba?

Tanong mula ulit kay  @darth_infernal

Solcial Admin: nope, walang ads 😉 (maliban na lang kung iba ang desisyon ng komunidad na bumoto sa DAO).

Q: At hindi mo makikita ang content ng ibang tao maliban kung mayroon kang tiyak na halaga ng kanilang token?At ang threshold ay maaaring itakda ng profile mismo, tama ba?

Tanong mula kay @bigcuh9

Solcial Admin: Yes anyone decides for themselves pero ang lahat ng mga gumagamit ay may Libreng Tier 1 upang masundan mo ang sinuman nang libre (kung gusto nilang magbahagi ng mga libreng post).

Q: Okay, pero sino ang mamamahala sa kung ano ang pinapayagan? magkakaroon ba ng DAO na binubuo ng mga social token holders na maaaring bumoto sa mga alituntunin ng komunidad atbp.

Tanong mula kay @bigcuh9

Solcial Admin: Sisingilin ang komunidad. Oo, mayroon kaming DAO at pundasyon, makakaboto ang mga tao sa mga desisyon at direksyon sa hinaharap ng platform.

Q: Kung ang mga mobile phone ay gagamitin bilang mga P2P server/client hindi ito mangangailangan ng maraming bandwidth at maraming memory, lalo na habang ang nilalaman ay lumalaki sa PentaBytes? Mayroon bang mga incentives upang patakbuhin ang mga P2P node para masuportahan ang application?

Tanong mula ulit kay  @darth_infernal

Solcial Admin: Magandang tanong, na-tweak namin ang mga parameter para pantay-pantay ang pag-load sa mga node para sa pagpapalaganap ng data. Ang mga telepono at computer ng mga user ay makakatanggap ng nilalaman ngunit ang density ng connection at mga duplicate na mensahe ay hindi masyadong mataas, kaya nakakamit namin ang magagandang resulta na may mababang bandwidth, at mahusay na decentralization.


Ano ang Solcial?

Ang Solcial ay isang decentralized social network na naglalayong bigyan ang mga user ng kapangyarihan ng web3 sa pamamagitan ng pagpayag sa mga user na makipag-ugnayan sa isa't isa nang hindi natatakot sa censorship, at pagpayag sa mga content creators na magantimpalaan ng patas sa halaga ng merkado.

Makipag-ugnayan


Telegram: https://t.me/solcial
Twitter: https://twitter.com/solcialofficial
Discord: https://discord.com/invite/solcial
Blog: https://blog.solcial.io/
Web: https://solcial.io
Email: [email protected]
Linktree: https://linktr.ee/solcial

You've successfully subscribed to Solcial Blog
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.