Maari ang ilan sa inyo ay nagtatanong, "Bakit kailangan pang magtayo ng Solcial? Oo naman, ang mga kasalukuyang platform ng social media ay nakakapagod, whatever. Hindi ako naaapektuhan ng censorship, baka kumita pa ako sa hinaharap, at wala akong pakialam sa privacy, tumitingin lang ako sa mga meme.”
Buweno, tuklasin natin ang iba't ibang aspeto ng social media na nagha-highlight ng pangangailangan ng pagbabago sa structure at approach at sa kung paano at bakit nga ba ang Solcial ay napakahalaga para sa 2022
Ang censorship ay lumalago sa lahat ng sulok ng internet
Ang mga social media platform tulad ng Twitter at Facebook kasama ang iba ay nagsi-censor ng content na maaaring masyadong pampulitika, masyadong kontrobersyal, o sadyang ibang-iba sa mga opinyon ng malalaking tech overlord. Bagama't kahit na ang content sa paligid ng crypto ay naging biktima ng censorship, posibleng hindi mo pa nararamdaman ang epekto. Ang nakikita natin sa censorship ay simula pa lamang, at nakaka-alarma para sa hinaharap ng malayang pananalita sa internet.
Solcial = Uncensorable Social Media
Nile-level ng Solcial ang playing field ng mga content creators sa buong mundo na naglalayong kumita ng pera sa platform. Ang mga kasalukuyang social media platform ay patuloy na nagpapanggap na ang iyong content ay walang halaga; alam namin ang tunay na halaga ng content ng user at sa Solcial, maaari kang lumikha at kumita sa sandaling sumali ka
Sa pamamagitan ng pagbuo ng Solcial sa isang P2P layer na sinigurado ng Solana blockchain, kami, ayon sa disenyo, ay hindi makapag-censor ng mga content; kung magpo-post ka ng isang bagay, maaari itong manatiling naka-host hanggang walang nagsasabing ito ay walang halaga, walang sinuman ang may kakayahang tanggalin ito o kanselahin ng ibang partido o awtoridad. Bagama't mayroon kaming mga patakarang inilalagay upang maiwasan ang ilegal at karumal-dumal na content, walang diktador o katawan ng pamahalaan ang papayagang i-bully ang Solcial sa pag-censor ng content ng isang user.
Make Monetizing Great Again
Ngayon tingnan din natin ang iyong halaga sa pera. Maaaring hindi ka influencer, hindi ka man lang madalas mag-post, ngunit hayaan mong sabihin namin ito sa iyo... kumikita ang mga social media platform sa iyong content at atensyon araw-araw.
Nagdadala ka ng halaga at, nakalulungkot isipin na ang halagang ito ay napupunta sa mga bulsa ng mga higante ng social media. Wala kang nakikita kahit isang sentimo nito.
Ngayon ay maaari kang magtanong "okay, magkano ang maaari kong kikitain?"
Well, nasa iyo ang sagot na iyon, ngunit ang Solcial ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng mga bagong paraan para kumita, bumuo ng iyong komunidad, at magsaya. Nasasabik kaming magbahagi ng iba't ibang paraan na maaari mong pagkakitaan habang papalapit kami sa pagla-launch ng platform.
Ang social media at privacy ay hindi dapat maging eksklusibo sa isa't isa
Finally, tingnan natin ang iyong privacy sa internet.
Nakapagsearch ka na ba ng isang bagay at pagkatapos ay lilitaw lang ito bigla ito sa iyong social network feed? Sa ngayon ay masasabi nating lahat tayo ay malamang na nagkaroon ng karanasang iyon at parang weird na mangyari iyon.
Nakatutuwang isipin na marami sa atin ang kusang-loob na ibinigay ang ating privacy sa internet nang libre; ang ilan ay hindi nag-iisip, ang ilan ay nag-iisip na ito ay limitado, ngunit dumaraming bilang ng mga tao ang nakakakita ng pagnanakaw na nangyayari sa ating data. Bukod sa kawalan ng kontrol sa ating data sa kasalukuyang mga social media platform, nakikita namin sa halos buwanang batayan ang ilang pagtagas ng ilang platform na hindi pinahahalagahan ang ating privacy. Kailangang tapusin na ito. Kailangang bigyan ng kontrol ang mga user sa kanilang data.
Itinatatag ng Solcial ang isang platform na magpapahalaga sa iyong privacy at nagbibigay sa iyo ng kontrol sa iyong data. Hindi kami nagtatago, nag-iimbak, o nagbebenta ng anuman sa iyong data. Sa Web3 maaari nating ayusin ang mga problema at bumuo ng hinaharap kung saan ikaw ang may kontrol.
Ano ang Solcial?
Ang Solcial ay isang decentralized social network na naglalayong bigyan ang mga user ng kapangyarihan ng web3 sa pamamagitan ng pagpayag sa mga user na makipag-ugnayan sa isa't isa nang hindi natatakot sa censorship, at pagpayag sa mga content creators na magantimpalaan ng patas sa halaga ng merkado.
Makipag-ugnayan
Telegram: https://t.me/solcial
Twitter: https://twitter.com/solcialofficial
Discord: https://discord.com/invite/3EpaAbcRPp
Blog: https://blog.solcial.io/
Web:https://solcial.io
Email: [email protected]
Linktree: https://linktr.ee/solcial