Pinagkakatiwalaan mo ba ang big tech at web2 companies ng social media sa iyong data? Nalaman sa isang kamakailang poll na 72% ng mga Amerikano ay hindi nagtitiwala sa Facebook na responsableng pangasiwaan ang kanilang privacy sa internet. Sa pagpasok ng TikTok at Instagram ito’y pumapangalawa at pumapangatlo sa hindi gaanong pinagkakatiwalaang mga platform, ito’y malinaw na patunay naang kasalukuyang mga social media platform ay hindi mapagkakatiwalaan sa privacy.
No– Hindi Ito Katanggap-tanggap
Ang monopolyo na tinatamasa ng mga platform tulad ng Facebook at Twitter ay humantong sa walang ingat na pagtrato sa data ng user at hindi mabilang na mga paglabag sa privacy. Hindi na nakakagulat sa isang track record ng walang ingat na paghawak, ang mga users ay hindi nagtitiwala sa mga platform na ito. Ang rekord na ito ay hindi kailanman nag-improve, kung saan ang Facebook ay mayroong mga paglabag sa data noong 2021 sa mahigit na 553 milyong katao.
Sa Italy lamang, ang data mula sa 35.6 milyong katao ay nakompromiso at kung ang populasyon ng Italy ay nasa 60 milyon sa panahon ng pagsulat ng artikulong ito,ang data mula sa 59% ng buong bansa ang nalagay sa kompromiso sa isa lamang paglabag.
Ang masama pa nito, nakompromiso din ang data ng Punong Ministro ng Luxembourg bukod sa iba pang mga pinuno ng Europa, mula sa historical data leak. Ang ating national at individual privacy ay nasa panganib, malinaw na ang kasalukuyang model ng mass data collection ay lubhang nakakabahala at mapanganib. Paano kung ang data na ito ay mapunta sa maling mga kamay, at bakit hindi alam ng publiko ang mga mass data leaks na ito? Marahil ito ay may kinalaman sa kumpletong kontrol ng impormasyon na mayroon ang kasalukuyang mga monopolyo sa social media.
“We’re not talking about mere cookies in Google Chrome that track your web visits. It’s your email. Your address, phone number, and birth date.”
“This data is so readily available to anyone it’s almost comical. We might as well stand on a street corner and hand out copies of our social security card to people passing by or hold up a sign with our banking account and routing number on full display.”
Quote from : Forbes
Ang mga platform tulad ng Facebook at Twitter ay may mas maraming data sa iyo kaysa sa karamihan ng mga bansa o organisasyon ng pamahalaan. Ang katotohanan na sila ay napapailalim sa hindi mabilang na mga privacy breaches ay lubhang nakababahala para sa karamihan ng mga indibidwal. Gusto mo ba na alam ng iyong kapitbahay ang lahat tungkol sa iyong mga ginagawa sa internet? Malamang hindi. At sa napakaraming tao na nakakaramdam ng paglabag sa dami ng impormasyong mayroon ang mga platform ng web2 sa social media, bakit pa rin sila nagpasya na kolektahin ang aming data?
Pagpapakinabang sa Iyong Privacy
Kung nalilito ka sa dahilan ng kasalukuyang mga monopolyo sa social media para mangolekta ng napakaraming data, ito’y sa kadahilanang dapat inuuna muna nila kung paano ka mapagkakakitaan. karamihan ng kinikita ng platform tulad ng Facebook ay sa pamamagitan ng pag-target sa mga user gamit ang mga ads. Upang gawing epektibo ang ad na ito, hangga't maaari, kailangang mangolekta ng Facebook ng libu-libong piraso ng data sa mga user para malaman kung ano ang ita-target sa kanila at kung kailan ito gagawin. Kakahanap mo lang ba ng lokal na restaurant, pero bigla kang makakakita ng ad para dito pagkatapos lang ng minuto lang? O baka interesado ka sa isang bagong pares ng sapatos, at biglang may lalabas na isa pang ad. Ang dalas ng mga ads na ito ay naging lubhang mapangahas na maraming mga users ang naging manhid at nasanay na dito.
Bagama't ang ilan ay maaaring hindi gaanong alintana o nababahala sa kanilang online privacy, may malaking panganib ng mga data leaks at mga privacy breaches, lalo na kapag ang isang kumpanya ay nagpapanatili ng data sa mga user na nagkakahalaga ng napakaraming pera. Bakit kaya hindi mo mapanatili ang data na ito?
Anong Maaring Gawing Alternatibo?
Sa napakaraming tao na nakakaramdam na sinasamantala at sinasabing hindi nagtitiwala sa mga social media platform, mayroon bang solusyon na nagpapahalaga sa privacy ng mga user? Ang maikling sagot ay oo, at ito ay ang Solcial!
Sa Solcial, hindi kami gumagawa ng social media platform na centralized at kagaya ng kasalukuyang may kapangyarihan sa monopolyo. Bumubuo kami ng isang decentralized , open-sourced, at user-centric na platform ng social media. Ang mga user ay may ganap na kontrol sa kanilang data at hindi ang platform. Hindi kami ang tipong social network na maaaring mag-claim na po-protektahan ang data bagkus kami ay nagdesisyon na hindi kailanman mangongolekta ng data ng mga users.
Sa Solcial pagmamay-ari mo ang halagang dinadala mo sa network.
Ang panahon ng tinatawag ng ilan na "Surveillance Capitalism" ay nagtatapos sa Web3. Sa pamamagitan ng paggamit ng pag-aunleash ng power ng blockchains maaari naming maitatag, at permanenteng ibigay ang kapangyarihan sa users. Maaaring ito ang kapangyarihang mag-censor, ang kapangyarihang mangolekta ng data, o ang kapangyarihang mag-monetize
Binuo ang Solcial para magkaroon ka ng alternatibo sa kasalukuyang mga monopolyo sa social media. Matagal ka na nilang sinasamantala, at ngayon na ang oras para lumaban.
Ano ang Solcial?
Ang Solcial ay isang decentralized social network na naglalayong bigyan ang mga user ng kapangyarihan ng web3 sa pamamagitan ng pagpayag sa mga user na makipag-ugnayan sa isa't isa nang hindi natatakot sa censorship, at pagpayag sa mga content creators na magantimpalaan ng patas sa halaga ng merkado.
Sa Solcial bawat user ay may sariling token, na nagbibigay-daan sa iyong direktang mamuhunan sa kanila.
Mayroong 3 antas ng subscription: maaari mong i-follow ang isang tao nang libre (Tier 1) upang ma-access ang kanilang public content, at upang ma-access ang kanilang private content kailangan mong magmay-ari ng kanilang token (Tier 2 at 3 na mga subscription).
Ang lahat ng content ng user ay naka-store sa IPFS at ina-access sa pamamagitan ng isang P2P layer nang hindi umaasa sa mga censorable na server o gateway. Ang mga operasyong nauugnay sa token (minting, trading atbp) ay nasa Solana blockchain.
Makipag-ugnayan
Telegram: https://t.me/solcial
Twitter: https://twitter.com/solcialofficial
Discord: https://discord.com/invite/solcial
Blog: https://blog.solcial.io/
Web: https://solcial.io
Email: [email protected]
Linktree: https://linktr.ee/solcial